Friday, June 27, 2008

KAPAG HUMUSGA ANG BATAS NG PUSO

KAPAG HUMUSGA ANG BATAS NG PUSO
Joey Baquiran
REPOST

Puwede bang ma-inlove ang matrona sa binata?Puwedeng-puwede naman pero tiyak na makatitikim ngmaanghang na mga pasaring ang di-karaniwang relasyon.Ganito ang nangyari kina Judge Dorinda vda. deRoces (Ms. Nora Aunor) at Noah Garcia (Yul Servo) saNaglalayag (Silent Passage) ng Angora Films. Sang-ayonsa pelikula, “paglalakbay sa dagat” at “dahan-dahangpagtigil ng regla” ang “naglalayag.” Sa unang eksena,tinagusan si Dorinda; nakita ang mantsa ng dugo nanghubarin niya ang togang simbolo ng kapangyarihan.

Hindi na bagong dugo si Ms. Aunor ngunit inaasahang marami pa siyang dugong puwedeng ibuhoskung pag-arte ang pag-uusapan. Bagay sa kaniya angpapel na ginagampanan dahil kaedad niya ang tauhan.Pero batayang kahingian na ito sa casting.

Pagod na raw si Ms. Aunor sa sining ng pag-arte natatlong dekada na niyang binubuno. Para sa ilan pa,nakakapagod na ang panonood sa kaniya. Pero nagdedeliber pa rin si Ms. Aunor ng inaasahang dapatideliber ng isang ikono ng pelikulang Filipino na katuladniya.

Sa Naglalayag, may ningning pa rin ang mata ni Ms.Aunor; nagpapahayag ng masasalimuot na damdamin ngbabaeng may gulang, may hawak na kapangyarihan, at iginagalang pero unti-unting bumigay sa alon ng bagongpag-ibig. Nakakaalibadbad, nakakaasiwa, nakakadiri panga para sa iba ang isiping ma-inlove ang gurang sabata.

Ang mahigpit na paghahatakan ng pag-ibig at reputasyonsa lipunan ay magiting na isinakatawan ni Ms. Aunor sabawat eksena. Ang mga lambingan nila ni Yul Servo aykomiko pero nagpapabigat din sa pagbabadya ng daratingna batikos sa kanilang relasyon. Sa mga eksenangtrahiko, ang pagtirik ng mata ni Ms. Aunor (nangibalita sa kaniyang napatay ng mga holdaper si YulServo) ay lumalagom na sa pagbagsak ng buong daigdigng huwes (na nagdadalantao pa mandin).

Isang matingkad na pagganap ang inihain ni Ms. Aunorsa Naglalayag. Gayunman, hindi nito ganap na mahahangoang naratibo sa mga kakulangang sosyolohiko atartistiko. Naghihintay pa ng higit na karapat-dapat namateryal ang di-nauubos na talento ni Ms. Aunor.Patuloy ang paglalayag. Romulo P. Baquiran, Jr.

No comments: